Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
35 Cards in this Set
- Front
- Back
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
|
Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
|
|
Maria Clara delos Santos
|
Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
|
|
Elias
|
Siya ay isang piloto/bangkero. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.
|
|
Pilosopo Tasyo
|
Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
|
|
Padre Damaso
|
Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
|
|
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
|
Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakin at walang pinapanginoon kundi ang salapi
|
|
Don Rafael Ibarra
|
Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yaman na kanyang tinataglay. Ama ni Crisostomo Ibarra.
|
|
Sisa
|
Mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Tinagguriang Martyr na asawa.
|
|
Padre Bernardo Salvi
|
Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
|
|
Padre Hernando Sibyla
|
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
|
|
Basilio
|
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog na kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
|
|
Crispin
|
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
|
|
Alperes
|
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya rin mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
|
|
Donya Consolacion
|
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes
|
|
Donya Victorina de Espadaña
|
Isang babaeng mapagpanggap. Mahilig din siyanv magsalita ng kastila bagama't ito ay laging mali.
|
|
Don Tiburcio de Espadaña
|
Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
|
|
Alfonso Linares
|
Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
|
|
Tiya Isabel
|
Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
|
|
Donya Pia Alba delos Santos
|
Siya ang ina ni Maria Clara. Anim na taong hindi nagkaanak ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago.
Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara. |
|
Tenyente Guevarra
|
Tenyente ng Guwardiya civil na nagkuwento kay Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
|
|
Kapitan Heneral
|
Ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.
.Siya ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado. |
|
Kapitan Basilio
|
Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.
|
|
Don Filipo Lino
|
Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Mahilig magbasa ng Latin. Ama ni Sinang
|
|
Lucas
|
Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbasak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
|
|
Don Saturnino Ibarra
|
Nuno ni Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias
|
|
Don Pedro Ibarra
|
Nuno ni Crisostomo Ibarra.
|
|
Kapitana Maria
|
Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
|
|
Nol Juan
|
Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
|
|
Kapitan Pablo
|
Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
|
|
Salome
|
Isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatanggi sa puso ni Elias
|
|
Andeng
|
Kinakapatid ni Maria na mahusay magluto.
|
|
Neneng
|
Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara.
|
|
Sinang
|
Masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio.
|
|
Victoria
|
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino.
|
|
Iday
|
Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa
|