Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
39 Cards in this Set
- Front
- Back
Xing at Jin |
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento. |
|
Badayos |
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa una o pangalawang wika man.” |
|
Keller |
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” |
|
Peck at Buckingham |
Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.” |
|
Sosyo Kongnitibong Pananaw sa Pagsulat |
ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal na gawain. |
|
Intrapersonal at Personal |
ang pagsulat ay kapwa proseso ng pakikipag-usap sa sarili at sa mambabasa. |
|
Layuning Ekspresibo |
Ito ay pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Ito ay isang personal na layunin sa pagsusulat. |
|
Layuning Transaksyonal |
Ito ay pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunan. Tinatawag din itong sosyal na layunin sa pagsusulat. |
|
Impormatibong Pagsulat |
naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag. Pokus nito ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. |
|
Mapanghikayat na Pagsulat |
Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon, o paniniwala. Pokus nito ang mambabasa na nais maimpluwensyahan. |
|
Malikhaing Pagsulat |
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, tula, at iba pa. Layunin nito’y magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, o damdamin |
|
Akademiko |
Sulating isinasagawa bilang kahingian sa paaralan. Ito ay isang intelektwal na sulating karaniwang isinasagawa ng mga mag-aaral, guro, at mananaliksik. |
|
Journalistic |
Kadalasang isinasagawa ng mga mamamahayag. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat kung saang isang partikular na larangan lamang ang nagsasagawa nito, subalit para sa lahat ng mambabasa. |
|
Teknikal |
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumtugoin sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa, at minsan, maging manunulat mismo. |
|
Propesiyonal |
Nakatuon sa o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Police report, investigative report, legal researches, medical report, banghay aralin, at iba pa. |
|
Malikhain |
Pokus nito ang imahinasyon ng manunulat, bagaman maaari itong piksyon o di-piksyon. , awit, at iba pa. |
|
Epektibong Pananaliksik |
Kailangan gumamit ng napapnahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat. |
|
Akademikong Pagsulat |
Ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. |
|
Katotohanan |
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. |
|
Ebidensya |
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang siportahan ang katotohanang kanilang inilalahad. |
|
Balanse |
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon, at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatuwiran sa nagsasalungatang pananaw. |
|
Obhetibo |
Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. |
|
Tumpak |
Sa pagsulat, ang mga datoe tulad bg facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang. |
|
Reperensyal |
Naglalayong magrekomenda ng mga sanggunian hinggil sa isang paksa. |
|
Mapanuring Layunin |
Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong magpaliwanag at magsuri ng posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang Batayan Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong magpaliwanag at magsuri ng posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang Batayan |
|
Matibay na Suporta |
Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pqngungusap at tesis na pahayag. |
|
Eksplisit |
Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words." |
|
Kompleks |
Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika. |
|
Responsable |
Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. |
|
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon |
Bilang manunulat, kailangang matulungan wng mambabasa tungo sa gnap na pag-unawa ng paksw ng papel at magiging posible lqmang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat. |
|
Pormal |
Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita |
|
Iskolarling Estilo sa Pagsulat |
Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalqgq na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo. |
|
Wasto |
Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa pag gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. |
|
Lohikal na Organisasyon |
Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihqng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. |
|
Malinaw na Pananaw |
Akademikong pag sulat ay di lamang ng mga katotohanan o facts at pag lalagom ng mga hanguan o sources. A |
|
May Pokus |
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon. |
|
Impormatibong Layunin |
Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hingil sa isang paksa. |
|
Mapanghikayat na Layunin |
Layuning manghikayat ng mambabasa na maniwala sa kanyang panig hinggil sa isang paksa |
|
Malinaw na Layunin |
Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin. |