Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
12 Cards in this Set
- Front
- Back
Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kaniyang katambal na tauhan. |
Kuwento ng pag-ibig |
|
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. |
Kuwento ng katutubong kulay |
|
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan. |
Kuwento ng tauhan o pagkatao |
|
Sinisikap na pasulan ng kuwento ang kasulok-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa. |
Kuwento ng kaisipan o sikolohiko |
|
Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nilikha ng mga pangyayari sa katha. |
Kwento ng katatakutan |
|
Naglalaman sa kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. |
Kuwento ng kababalaghan |
|
Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin at may himig na nakakatawa ang akda. |
Kuwento ng katatawanan |
|
Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang mga kuwentong aktiv o sa paniniktik ang halimbawa nito. |
Kuwento ng talino |
|
Kuwentong isinulat para sa isang pangyayari, gaya ng pasko, bagong taon, at iba pa. |
Kuwentong Pampagkakataon |
|
Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan. |
Kuwento ng kapaligiran |
|
Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang mangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan ng mga tauhan. |
Kuwentong makabanghay o madulang pangyayari |
|
Maikling kwento |
-Isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan -kadalasan nang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang. - karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa't ang mga mambabasa ay madaling makaugnay sa salaysay nito. |