Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
147 Cards in this Set
- Front
- Back
Abril 28, 1888 |
Unang nakita ni Rizal ang Amerika |
|
Abril 28, 1888 |
Dumaong ang barkong Belgic sa San Francisco |
|
Dulong Silangan |
Pinagmulan ng barkong Belgic na diumano'y may epidemya ng kolera |
|
Amerikanong konsul sa Japan at Gobernador ng Hongkong |
Nagpatunay na walang epidemya ng kolera sa Tsina |
|
Mayo 4, 1888 |
Araw ng payagan si Rizal na bumaba ng barko |
|
Otel Palace |
Primera klaseng otel sa San Francisco noon at dito nagparehistro si Rizal |
|
Kalye Market |
Pinakamagandang kalye sa San Francisco |
|
Leland Stanford |
Isang milyonaryong senador na siyang kinatawan ng California sa senado ng Estados Unidos Tagapagtatag at tagapagtustos ng Unibersidad ng Stanford sa Palo Alto, California |
|
Kalye Dupont sa China Town |
Nabanggit ni Rizal sa kanyang talaarawan Ngayon ay Abenida Grant |
|
Mayo 4-6, 1888 |
Tumigil si Rizal sa San Francisco |
|
Grover Cleveland |
Pangulo ng Estados Unidos noong tumigil si Rizal sa San Francisco |
|
Mayo 6, 1888 |
Nilisan ni Rizal ang San Francisco patungong Oakland lulan ng bangkang pantawid |
|
Sacramento |
Dito naghapunan si Rizal ay natulog siya sa kanyang kamarote |
|
Reno, Nevada |
Dito nag-agahan si Rizal noong Mayo 7, 1888 "Ang Pinakamalaking Maliit na Lungsod sa Buong Mundo" |
|
Utah |
Ikatlong estado na dinaanan nina Rizal |
|
Colorado |
Ikalimang estadong dinaanan nila |
|
Nebraska |
Ang estadong ito ay kapatagan |
|
Omaha |
Isang malaking lungsod, pinakamalaki na nakita ni Rizal mula nang lumisan sa San Francisco |
|
Ilog ng Missouri |
Dalawang beses na mas malaki kaysa Ilog Pasig |
|
Ilog ng Hudson |
Umaagos sa Albany at maraming bangkang matatagpuan |
|
Mayo 13, 1888 |
Narating ni Rizal ang New York at nagwakas ang kanyang pagbibiyahe sa kontinenteng Amerika |
|
"Malaking bayan" |
Tawag ni Rizal sa New York |
|
George Washington |
"Siya ay isang dakilang tao, na sa palagay ko'y walang katulad sa bansang ito" |
|
Mayo 16, 1888 |
Nilisan ni Rizal ang New York patungong Liverpool lulan ng City of Rome |
|
City of Rome |
"Pangalawang pinakamalaking barko sa buong mundo, sunod lamang sa Great Eastern" |
|
*materyal na kaunlaran ng bansa *ang enerhiya at pagpupursige ng mga Amerikano *likas na kagandahan ng bansa *mataas na antas ng pamumuhay *mga oportunidad para sa mabuting buhay para sa mahihirap na imigrante |
Mga magagandang impresyon ni Rizal sa Amerika: |
|
Kawalan ng pantay-pantay na pagtrato sa mga lahi |
Isang pangit na impresyon ni Rizal sa Amerika |
|
Jose Alejandro |
Nag-aaral ng inhenyeriya sa Belhika Nakasama ni Rizal sa Rue Philippe Champagne, Brussels |
|
Marso 1888 - Marso 1889 |
Tumigil si Rizal sa London |
|
*madagdagan ang kaalaman sa wikang Ingles *mapag-aralan at mabigyan ng anotasyon ang Sucesos de la Islas Filipinas ni Morga *ang London ay isang ligtas na lugar para maipaglatuloy niya ang pakikipaglaban sa pagmamalupit ng mga Espanyol |
Dahilan ng pagpili sa London bilang bagong tahanan: |
|
Sucesos de la Islas Filipinas (Makasaysayang Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas) |
Isang sipi na narinig niyang makikita sa Museo ng Britanya
Isinulat ni Morga
Nailathala sa Mexico noong 1609 |
|
Yo-yo |
Maliit na bilog na laruang gawa sa kahoy na ginawang pananggalang ni Rizal |
|
Mayo 24, 1888 |
Narating ni Rizal ang Liverpool, Inglatera |
|
Otel Adelphi |
Tumigil si Rizal ng isang araw |
|
Liverpool |
"Malaki at magandang lungsod, at ang ipinagmamalaking daungan nito ay karapat-dapat sa kanyang katanyagan" |
|
Mayo 25, 1888 |
Nagtungo si Rizal sa London at pansamantalang tumigil bilang panauhin sa tahanan ni Dr. Antonio Ma. Regidor |
|
Dr. Antonio Ma. Regidor |
Desterado ng 1872 at abogado sa London |
|
Blg. 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill |
Nahanap na paupahan ni Rizal bago matapos ang buwan ng Mayo |
|
G. Beckett |
Organista sa simbahan ng St. Paul |
|
Gertrude |
Pinakamatanda sa magkakapatid na babae ng Beckett Tinatawag na "Gettie" o "Tottie" ng mga kaibigan |
|
Dr. Reinhold Rost |
Bibliotekaryo ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas at awtoridad sa mga wika at kaugaliang Malayo |
|
"Una Perla de Hombre" (isang perlas ng kalalakihan) |
Tawag ni Dr. Rost kay Rizal |
|
Cricket |
Popular na larong Ingles na nilalaro ni Rizal kasama ang mga anak ni Dr. Rost tuwing Linggo |
|
*pag-uusig sa mga Pilipino na lumagda sa "Petisyong 1888 Laban sa mga Prayle" *pag-uusig sa mga kasama ng Calamba dahil sa matapang nilang paghiling ng repormang pang-agraryo sa pamahalaan *panunuligsa kay Rizal nina Senador Salamance, Vida, Wenceslao E. Retana (Desengaños) at Pablo Feced (Quioquiap) *di makatwirang pagpapatapon ni G.H. Weyler kay Manuel T. Hidalgo sa Bohol *pagdakip at pagkulong kay Laureano Viado sa Bilibid |
Mga masasamang balita na natanggap ni Rizal: |
|
Petisyong 1888 Laban sa mga Prayle |
Iniharap ni Doroteo Cortes at Jose Centeno noong Marso 1, 1888 |
|
Laureano Viado |
Estudyante ng Medisina sa UST at kaibigan ni Rizal Nakulong dahil nakitaan sa tahanan ng sipi ng Noli |
|
Pagtatanggol ni Rev. Vicente Garcia sa Noli |
Magandang balita na natanggap ni Rizal |
|
Enero 7, 1891 |
Sinulatan niya si Padre Garcia na nagpapahayag ng kanyang pasasalamat |
|
*Padre Chirino *Padre Colin *Padre Argensola *Padre Plasencia |
Awtor ng iba pang librong pangkasaysayan na sinuri ni Rizal: |
|
Setyembre 17, 1888 |
Nagliham si Rizal kay Blumentritt tungkol sa pagpuri niya sa mga sulat ni Morga |
|
Oktubre 12, 1888 |
Isinulat ni Rizal kay Ponce ang kanyang pagtanggi sa paanyaya nitong pamatnugutan ang isang pahayagang magtatanggol sa mga interes ng Pilipino laban sa mga pag-uusig ng mga Espanyol |
|
Setyembre 1888 |
Binisita ni Rizal ang Paris para makapaghanap ng iba pang materyal na pangkasaysayan |
|
Bibliotheque Nationale (Pambansang Aklatan) |
Dito naghanap si Rizal ng mga materyal na pangkasaysayan |
|
Andres (Luling) |
Anak nina Juan Luna at Paz Pardo de Tavera |
|
Disyembre 11, 1888 |
Nagtungo siya sa Espanya at binisita ang Madrid at Barcelona |
|
*Marcelo H. Del Pilar *Mariano Ponce |
Dalawang malaking kampeon ng Kilusang Propaganda |
|
*busto ni Emperador Augustus na nililok niya *busto ni Julius Caesar na ibinigay kay Dr. Carlos Czepelak |
Mga ipinadalang aginaldo ni Rizal para sa mga kaibigan: |
|
The Life and Adventures of Valentiene Vox, The Ventriloquist |
Regalong natanggap ni Rizal mula kay Gng. Beckett |
|
Asosacion La Solidaridad |
Isang samahan ng nga makabayang Pilipinong naglalayong makiisa sa krusada para sa pambansang reporma |
|
Disyembre 31, 1888 |
Pinasinayaan ang Asosacion La Solidaridad |
|
Pangulong Pandangal |
Posisyon na napagkasunduan ng mga miyembro na ibigay kay Rizal |
|
*Pangulo - Galicano Apacible *Pangalawang Pangulo - Graciano Lopez-Jaena *Kalihim - Manuel Santa Maria *Ingat-Yaman - Mariano Ponce *Tagapagtuos - Jose Ma. Panganiban |
Mga Opisyal ng Asosacio La Solidaridad: |
|
Enero 28, 1889 |
Sumulat si Rizal sa mga miyembro ng Asosacion La Solidaridad upang ipahayag ang pasasalamat at nagpayo siya sa mga ito |
|
Pebrero 15, 1889 |
Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang pahayagang La Soludaridad sa Barcelona |
|
*makapagtrabaho ng mapayapa para sa repormang panlipunan at pampolitikal *mailarawan ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas nang ang Espanya ay makagawa ng remedyo ukol dito *labanan ang masasamang pwersa ng reaksyonaryo at pagkasinauna *magtaguyod ng mga ideyang liberal at kaunlaran *maging kampeon ng mga lehitimong aspirasyon ng mga Pilipino sa buhay, demokrasya at kaligayahan |
Mga layunin ng La Solidaridad: |
|
"Los Agricultores Filipinos" (Mga Magsasakang Pilipino) |
Unang artikulo ni Rizal sa pahayagan na nailathala noong Marso 25, 1889 |
|
La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pananaw ni Padre Rodriguez) |
Isang polyetong isinulat ni Rizal sa ilalim ng kanyang sagisag panulat na Dimasalang Isang satirikang naglalarawan ng masiglang dialogo sa pagitan nina San Agustino at Padre Rodriguez |
|
*ang kanyang malawak na kaalaman sa relihiyon *ang kanyang matalim na satirika |
Dalawang bagay na ipinakita ni Rizal sa La Vision del Fray Rodriguez: |
|
Liham sa mga Dalaga ng Malolos (Pebrero 22, 1889) |
Isinulat ni Rizal sa kahilingan ni M.H. Del Pilar para purihin ang kadalagahan ng Malolos |
|
*kailangang turuan ng Pilipinong ina ang mga anak ng pagmamahal sa Diyos, Inang Bayan at sangkatauhan *kailangang maging maligaya ang Pilipinong ina sa pag-aalay sa mga anak na magtanggol sa bayan *kailangang mapanatili ng Pilipinong ina ang kanyang dignidad at karangalan *kailangang mabigyan ng Pilipinong ina ang sarili ng edukasyon *ang pananampalataya ay pamumuhay sa paraan ng tunay na Kristyanong may moralidad af mabuting asal |
Mahalagang puntos sa liham ni Rizal: |
|
Trubner's Record |
Peryodiko na naglalaman ng mga pag-aaral sa mga bagay-bagay na Asyano |
|
*Specimens of Tagal Folklore (Mga Halimbawa ng Alamat ng mga Tagalog) noong Mayo 1889 *Two Eastern Fables (Dalawang Pabula ng Silangan) noong Hunyo 1889 |
Dalawang artikulo na hinanda ni Rizal para kay Dr. Rost: |
|
Gettie |
Tawag ni Rizal kay Gertrude |
|
Pettie |
Tawag ni Gertrude kay Rizal |
|
*Prometheus Bond *The Triumph of Death Over Life *The Triumph of Science Over Death *Busto ng magkakapatid na babaeng Beckett |
Mga eskultura na tinapos ni Rizal bago lisanin ang London: |
|
Marso 19, 1889 |
Nilisan ni Rizal ang London patungong Paris at malungkot niyang tinawid ang English Channel |
|
Mayo 6, 1889 |
Itinakdang magbukas ang Eksposisyong Unibersal ng 1889 |
|
Valentin Ventura |
Kaibigan ni Rizal, pansamantalang tumuloy si Rizal sa kanyang bahay |
|
Blg. 45 Rue Maubange |
Bahay ni Ventura, dito inayos ni Rizal ang kanyang anotasyon sa aklat ni Morga |
|
*Kapitan Justo Trinidad *Jose Albert |
Dalawang Pilipino na nakasama ni Rizal sa nakuha niyang maliit na silid: |
|
Kapitan Justo Trinidad |
Dating gobernadorsilyo ng Santa Ana, Maynila at takas mula sa pagmamalupit ng mga Espanyol |
|
Jose Albert |
Batang estudyanteng taga-Maynila |
|
Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera |
Manggagamot ang bokasyon at pagiging pilolohista ang interes |
|
Dr. Felix Pardo de Tavera |
Manggagamot din at artista at eskultor |
|
Paz Pardo de Tavera |
Asawa ni Juan Luna |
|
Don Joaquin Pardo de Tavera |
Ama ng 3 Pardo de Tavera, desterado ng 1872 na tumakas sa Marianas at nanirahan sa Pransiya |
|
Hunyo 24, 1889 |
Isang sanggol na babae ang isinilang kina Juan Luna at Paz |
|
Maria de la Paz, Blanca, Laureana, Hermenegilda Juan Luna y Pardo de Tavera |
Ibinigay na pangalan ni Rizal sa anak nina Juan Luna at Paz Pardo de Tavera |
|
Eiffel Tower |
Pinakamagandang pantawag pansin ng eksposisyon na may taas na 984 piye |
|
Alexander Eiffel |
Bantog na inhinyerong Pranses at gumawa ng Eiffel Tower |
|
Marso 19, 1888 |
Dumating si Rizal sa Paris mula London, itinatag niya ang Samahang Kidlat |
|
*Antonio at Juan Luna *Gregorio Aguilera *Fernando Canon *Lauro Dimayuga *Julio Llorente *Guillermo Puatu *Baldomero Roxas |
Mga Pilipinong bumubuo ng Samahang Kidlat: |
|
Samahang Kidlat |
Itinatag upang ang kabataang Pilipino ay sama-sama sa pagbisita sa lungsod sa panahon ng Eksposisyon kaya ito'y panandalian lamang |
|
Buffalo Bull |
Itinanghal ng mga Indian na Amerikano |
|
Indios Bravos (Matatapang na Indian) |
Pinalitan nito ang samahang kidlat |
|
Judo |
Isang sining ng pagtatanggol sa sarili ng mga Asyano |
|
Samahang RDLM |
Hindi ito nabanggit ng maraming mananalambuhay ni Rizal |
|
Dr. Leoncio Lopez-Rizal |
Apo sa tuhod ng bayani |
|
Redencion de los Malayos (Para sa Katubusan ng mga Malayo) |
RDLM |
|
*Gregorio Aguilera *Jose Ma. Basa *Julio Llorente *Marcelo H. Del Pilar *Mariano Ponce *Baldomero Roxas *Padre Jose Maria Changco |
Kasapi ng RDLM: |
|
Max Havelaar (1860) |
Isinulat ni Multatuli, inilahad ng aklat ang mga kalunos-lunos na kalagayan ng mga inaaping Malayong naninirahan sa Netherlands East Indies sa ilalim ng pamamahala ng mga Olandes |
|
Multatuli |
Sagisag-panulat ni E.D. Dekker, awtor na Olandes |
|
Pebrero 23, 1892 |
Sulat ni Rizal kay Blumentritt, ipinahayag niya ang kanyang intensyong maging pinuno ng kalayaan kundi man sa Pilipinas ay sa ibang lupain sa Borneo |
|
Ang Paunang Salita |
Isinulat ni Propesor Blumentritt sa kahilingan ni Rizal |
|
*sinuri niya ang nakaraan sa pamantayan ng kasalukuyan *ang panunuligsa ni Rizal sa simbahan ay di makatwiran dahil ang mga pang-aabuso ng mga prayle ay di dapat ipagkamali na ang Katolisismo ay masama |
Dalawang bagay na nagpapakita ng pagkakamali ni Rizal: |
|
Morga |
May tumpak na pagsasalaysay ng mga pangyayari, walang kinikilingan, at hindi nababahiran ng mga pantasyang pambata |
|
Oktubre 12, 1889 |
Sulat ni Blumentritt kay Rizal nang matanggap nito ang magandang edisyon ng Morga |
|
Disyembre 28, 1889 |
Liham ni Rizal kay Dr. Baldomero Roxas ng pagpapadala niya ng apat na kopya ng Morga sa Lipa |
|
Disyembre 31, 1889 |
Sulat ni Mariano Ponce kay Rizal nang matanggap nito ang aklat na Sucesos ni Morga |
|
Unang Paglalakbay sa Palibot ng Daigdig |
Isinulat sa Italyano ni Pigafetta |
|
*Ma-yi (Disyembre 6, 1888) *Tawalisi ni Ibn Batuta (Enero 7, 1889) |
Dalawang pangkasaysayang komentaryong isinulat ni Rizal sa London: |
|
Ang Pilipinas sa Darating na Siglo |
Isang artikulo ni Rizal na naglalarawan ng mga pananaw niya sa kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas |
|
Ang Katamaran ng mga Pilipino |
Isang sanaysay na nagpapakita ng pagtatanggol ni Rizal sa sinasabing katamaran ng mga Pilipino |
|
*agrikultura *industriya *komersyo |
Ang mga Pilipino ay masipag sa: |
|
*mga pag-aalsa ng mga katutubo at kaguluhang dulot ng pananakop ng Espanya *mga digmaan kung saan ang mga Pilipino ay nakipaglaban para sa Espanya *mga pananalakay ng mga piratang Muslim ng Mindanao at Sulu sa mga Kristiyano *patakaran ng sapilitang paggawa sa mga gawaing pampubliko *kakulangan ng gana para gumawa dahil wala namang nahihita ang mga Pilipino *pagpapabaya at walang pakialam ng pamahalaan sa agrikultura, industriya at komersiyo *masasamang halimbawa sa paggawa na ipinakita ng mga misyoneryong Espanyol *turo ng mga misyoneryong Espanyol na mas madali para sa mahihirap ang pumasok sa langit *paghihikayat at pagpapalaganap ng mga Espanyol sa pagsusugal *sistemang pang-edukasyon ng mga Espanyol na hindi nagtataguyod ng mga gawaing pang-ekonomiya |
Mga dahilan ng pagbaba ng buhay pang-ekonomiya sa Pilipinas: |
|
Enero 14, 1889 |
Liham kay Blumentritt, ideyang pagtatatag ng isang Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista at magkaroon ito ng pampasinayang kumbensyon sa kabisera ng Pranses |
|
*Pangulo - Dr. Ferdinand Blumentritt
*Pangalawang Pangulo - G. Edmund Plauchut
*Tagapagpayo - Dr. Reinhold Rost at Dr. Antonio Ma. Regidor *Kalihim - Dr. Jose Rizal |
Mga opsiyal ng Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista: |
|
Agosto 1889 |
Itinakda ni Rizal ang pampasinayang kumbensiyon ng Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista sa Paris ngunit hindi natuloy |
|
*Dr. Reinhold Rost *Sir Henry Yule *Dr. Feodor Jagor *Dr. A.B. Meyer *Dr. H. Kern *Dr. Czepelak |
Mga kilalang iskolar sa Europeo: |
|
G. Mariano Cunanan |
Isang mayamang Pilipinong naninirahan sa Paris mula Mexico, Pampanga Nangakong tutulong sa paglikom ng P40,000 bilang paunang capital para sa kolehiyo |
|
1889 |
Sumulat si Rizal ng isang satirikang pinamagatang Por Telepono bilang tugon sa manunuligsa na si Padre Salvador Font |
|
Por Telepono |
Nailathala bilang polyeto sa Barcelona noong 1889 |
|
Dimasalang |
Sagisag na ginamit ni Rizal sa pagsulat ng Por Telepono |
|
1901 |
Unang signal ng radio-teleponong natanggap ni Marconi sa ibayo ng Atlantic |
|
*suriin ang kanyang edisyong may anotasyon sa orihinal na Sucesos ni Morga na ang kopya ag nasa Museo ng Britanya *makita sa huling pagkakataon si Gertrude Beckett |
Dalawang hinuha kung bakit binisita ni Rizal ang London: |
|
Enero 1890 |
Nagbalik si Rizal sa Paris |
|
Enero 28, 1890 |
Nilisan ni Rizal ang Paris patungong Brussels, kabisera ng Belhika |
|
*napakataas ng halaga ng pamumuhay sa Paris *ang kasiyahan sa lungsod ay nagiging balakid sa kanyang pagsusulat |
Dahilan sa pag-alis ng Paris: |
|
Jose Albert |
Kasama ni Rizal nang lumipat siya sa Brussels |
|
38 Rue Philippe Champagne |
Isang maliit na paupahan na tinirahan ni Rizal na pinamamahalaan ng magkapatid na Suzanne at Marie Jacoby |
|
Jose Alejandro |
Lumipat sa bahay-paupahan nang si Jose Albert at lumisan ng lungsod |
|
*A La Defensa (Para sa La Defensa) Abril 30, 1889
*La Verdad Para Todos (Ang katotohanan para sa lahat) Mayo 31, 1889 *Vicente Barrantes' Teatro Tagalo (Hunyo 15, 1889) *Una Profanacion (Isang Paglalapastangan) Hulyo 31, 1889 *Verdades Nuevas (Mga Bagong Katotohanan) Hulyo 31, 1889 *Crueldad (Mga Kalupitan) Agosto 15, 1889 *Diferencias (Mga Di-Pagkakasundo) Setyembre 15, 1889 *Inconsequencias (Mga Walang Halaga) Nobyembre 30, 1889 *Llanto y Risas (Mga Luha at Katatawanan) Nobyembre 30, 1889 *Ingratitudes (Kawalan ng utang na loob) Enero 15, 1890 |
Mga artikulong nailathala sa La Solidaridad: |
|
Abril 15, 1890 |
Nailathala ang artikulong Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog) |
|
Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera |
Pinagbigyan ni Rizal ng karangalan sa pagbabagay sa bagong ortograpiya Awtor ng El Sanscito en la Lengua Tagala (1884) |
|
Juan Luna at Valentin Ventura |
Nag-ulat kay Rizal na ang mga Pilipino sa Espanya ay sinisira ang magagandang ngalan ng kanilang nasyon dahil sa pagsusugal |
|
Mayo 28, 1890 |
Sumulat si Rizal kay M.H. Del Pilar para paalalahanan ang mga Pilipino sa Madrid na hindi sila pumunta doon para magsugal kundi para maipaglaban ang kalayaan ng Inang Bayan |
|
*ang suliraning pang-agraryo ng Calamba ay lumala *nagsampa ng kaso ang Ordeng Dominiko upang mabawi sa pamilyang Rizal ang kanilang lupa *si Paciano at mga bayaw na sina Antonio Lopez at Silvestre Ubaldo ay ipinatapon sa Mindoro *si Manuel T. Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol |
Masasamang balita mula sa Calamba: |
|
Hunyo 6, 1890 |
Mula Brussels ay sinulatan niya ang kapatid na si Soledad |
|
Hunyo 11, 1890 |
Sumulat at ipinaalam niya kay M.H. Del Pilar ang kanyang pangitain na maagang kamatayan |
|
Hulyo 9, 1890 |
Sinulatan ni Rizal si Ponce tungkol sa kanyang pagtutol sa planong pagtungo ni Graciano Lopez Jaena sa Cuba |
|
Hulyo 18, 1890 |
Liham kay Ponce na nagpapahayag ng kanyang determinasyong umuwi |
|
Hulyo 20, 1890 |
Sinulatan ni Rizal si Del Pilar para kuning abogado matapos malaman mula kay Paciano na natalo ang kanilang kaso laban sa mga Dominiko |
|
Hulyo 29, 1890 |
Sa isang liham kay Ponce, ipinahayag ni Rizal na lilisanin niya ang Brussels pagpasok ng susunod na buwan at darating siya sa Madrid ng Agosto |
|
"A Mi . . ." (Sa Aking Musa) |
Isang kahambal-hambal na tulang isinulat ni Rizal bunga ng pag-iisip sa kinasapitan ng kanyang mag-anak |
|
*tag-araw noon sa Belhika at maraming kasiyahan *kanyang pakikipagkaibigan kay Petite Jacoby, ang magandang pamangkin ng kanyang kasera |
Dalawang bagay na nagpasaya kay Rizal habang naghahanda papuntang Madrid: |
|
Hulyo 1890 |
Lumuha si Suzanne nang tuluyang lumisan si Rizal patungong Madrid |
|
*Segunda Katigbak *Orang Valenzuela *Leonor Rivera *O-Sei-San *Gettie Beckett *Consuelo Ortiga y Perez *Nellie Bousted *Petite Suzanne Jacoby |
Mga naging babae ni Rizal: |